About The City Council

Ang Sanggunian ang gumagawa at nagpapasa ng mga ordinansa (parang mga batas na sa Himamaylan lamang pwedeng implement o ipatupad) o resolution (dokumentong nagpapahayag sa opinyon ng mga kasapi ng Sanggunian sa iba’t-ibang bagay) na may kaugnayan sa pagpapatkbo sa ating lungsod. Bagamat hiwalay at independent sa Mayor’s Office, ang Sanggunian ay katulong ng Mayor sa approval ng annual budget (budget ng Lungsod kada taon), nagbibigay ng authority to sign (mga resolution na nagbibigay ng kapangyarihan kay Mayor na pumirma sa mga kontrata) nag-approve sa mga ina-appoint ng Mayor na department heads (gaya ng City Engineer, City Treasurer, at iba pa), dumidinig sa kahit na anong bagay o reklamo na may kaugnayan sa ating Lungsod, at nag-aapruba ng land use and zoning regulations (mga patakaran tungkol sa kung paano pwedeng gamitin ang isang lote o gusali) na nakakatulong sa lalong pag-unlad ng Bacoor. Sa madaling salita, ang Sanggunian ang nagsisilbing check and balance sa kapangyarihan ng Mayor upang masiguro na makatanggap kayo ng maayos at matapat na serbisyo publiko.

Pamunuan

Justin Silos Gatuslao

Himamaylan City Vice Mayor
Kasalukuyang Presiding Officer

Ang tawag sa namumuno sa bawat regular o regular session ng Sanggunian at naniniguro na ang mga patakaran sa pagpasa ng mga ordinasa o resolution ay sinusunod ng mga miyembro ng Sanggunian. Ang Vice Mayor ng Lungsod ang inatasan ng batas na maging Presiding Officer ng Sanggunian.
Author Name

Hon. Johny T. Ades

President Pro Tempore

Ang tawag sa konsehal na hinalal ng kapwa niya konsehal upang tulungan ang Presiding Officer na siguruhin na ang mga ipinapasang ordinansa at resolusyon ng Sanggunian ay naaayon sa batas.

Hon. Janet T. Villafranca

Assistant Pro Tempore

Ang tawag sa namumuno sa bawat regular o regular session ng Sanggunian at naniniguro na ang mga patakaran sa pagpasa ng mga ordinasa o resolution ay sinusunod ng mga miyembro ng Sanggunian. Ang Vice Mayor ng Lungsod ang inatasan ng batas na maging Presiding Officer ng Sanggunian.